Monday, January 16, 2012

Makita kang muli

Tandang tanda ko pa ng ika''y unang makita,
di alam ang gagawin natulala nalang bigla;
Ano bang meron sayo puso ko'y sumigla,
nakasabay ka sa jeep ako'y nataranta;

Ilang linggo ang nakalipas ika'y hinahanap-hanap,
ngunit kahit anino mo'y hindi ko mahagilap;
Naisip kong sumuko dahil alam kong hindi ka makikita,
ang puso kong masaya, nawalan ng sigla;

Sa isang silid aralan ako'y dumaan,
nakita kita nakikipag-usap sa kaibigan;
Ang malungkot kong puso, bigla ulit sumaya,
dahil sa kaligayahan ngiti ko'y abot tenga;

Tuwing ako'y iyong kakausapin ika'y naka ngiti,
pakiramdam sa loob ko parang kinikiliti;
Kapag nasa eskwelahan di ako mapakali,
ako ay umaasang makikita kang muli;

No comments:

Post a Comment