Oh aking nanay, ika'y aking mahal,
tayo'y nagkasama, oh nang kay tagal;
Lumisan ka man, patuloy kang minamahal,
nawala ka sa mundo, sa puso'y di ka matatanggal;
Ang aking sumpa'y di ka kakalimutan,
oh nanay ika'y tunay na naasahan;
Ang pagmamahal mo'y di mapapantayan,
tanging gusto ko ibalik ang nakaraan;
Kailangan bang iwanan mo kami nanay,
wala ka sa piling ko di ako sanay;
Sa paghihirap nakamit mo ang tagumpay,
makasama si tatay sa kabilang buhay;
Minahal kita ng higit sa buhay ko,
at alam ko ganoon din ang ginawa mo;
Mahirap tanggapin kami'y iniwan mo,
ala-ala sayo'y tatak sa puso ko;
No comments:
Post a Comment